Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

₱11,400 Bawat Benepisyaryo | 200 Bacoloreños, Isang Masaganang Ani!

₱11,400 Bawat Benepisyaryo | 200 Bacoloreños, Isang Masaganang Ani!
Isang malaking biyaya para sa ating mga kababayan!
Tumanggap ng ₱11,400 ang 200 benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI matapos ang 20 araw na pagsasanay at pagtatrabaho sa pagtatanim ng mga gulay. Ngayon, unti-unti nang umuusbong ang kanilang mga pananim sa mga barangay ng Duat, Parulog, Tinajero, Sta. Barbara, San Antonio, at Cabalantian.
Kasama natin sa payout sina Vice Mayor Ron Earvin Dungca at mga Konsehal Jude Datu, Steekie Blanco, Aiza Cunanan, Carlax Laxa, at Emily Valerio sa patuloy na pagsuporta sa mga programang nagbibigay ng kabuhayan at seguridad sa pagkain para sa mga Bacoloreño.
Maraming salamat sa DSWD Regional Office III sa pagpapatupad ng programang ito. Sama-sama nating itinataguyod ang mas maunlad at masaganang Bacolor!
Official Website of Municipality of Bacolor