102 Taong Gulang, Tumanggap ng ₱100,000 Cash Gift!
Isang taos-pusong pagbati kay Lola Lucresia Bondoc ng Brgy. Sta. Barbara, na ngayon ay 102 taong gulang at isa sa ating mga centenarian. Bilang pagkilala sa kanyang mahabang buhay at inspirasyong hatid sa ating komunidad, matagumpay nating naipagkaloob ang ₱100,000 cash gift alinsunod sa Expanded Centenarians Act (Republic Act No. 11982).
Patuloy nating pahalagahan at parangalan ang ating mga nakatatanda na nagsisilbing buhay na inspirasyon para sa bawat Bacoloreño.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/r/1D9oc7kfVP/