FIRST EVER HEALTH ON WHEELS IN PAMPANGA
Bilang inyong Mayor, ipinagmamalaki kong ilunsad ang kauna-unahang Health on Wheels Project sa Pampanga, isang inisyatibo upang dalhin ang serbisyong medikal direkta sa ating mga kababayan.
Ngayong araw, tumungo tayo sa Bulaon upang makapaghatid ng tulong para sa mga residente ng San Vicente at Potrero, Bulaon Resettlement. Sa tulong ng ating Rural Health Unit, sa pamumuno nina Dra. Janet Trinidad at Dra. Hernandez, naging posible ang pagbibigay ng iba’t ibang serbisyong medikal gaya ng ECG, X-ray, laboratory exams, libreng konsultasyon at check-up, tooth extraction at marami pang iba.
Kasama ko ring personal na dumalo sa programang ito sina Vice Mayor Ron Dungca, Konsehal Jude Datu, Konsehal Aiza Cunanan, Konsehal Renz Canlas, at Konsehal CarLax Laxa upang ipakita ang kanilang buong suporta sa proyektong ito.
Ang Health on Wheels ay napakahalaga dahil mas mailalapit natin ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Bacoloreño, lalo na sa mga malalayong lugar at resettlement communities. Para sa akin, ito ay hindi lamang proyekto kundi isang panata na sa ilalim ng aking pamumuno, walang Bacoloreño ang maiiwan pagdating sa kalusugan.
Dangalan tamu Anac ta Baculud…
#ILOVEYOUALL!!!