Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

PABATID SA LAHAT NG MGA MAMAMAYAN NG BACOLOR

Ipinapaabot po ng Pamahalaang Bayan ng Bacolor sa lahat ng ating mga kababayan na mayroon na pong Shredder Machine ang ating Materials Recovery Facility (MRF).
Ang makinaryang ito ay malaking tulong upang mas mapabilis at mapahusay ang proseso ng composting para sa mga biodegradable na basura.
Kaugnay nito, kami po ay taos-pusong nakikiusap sa lahat na makiisa at magsagawa ng tamang paghihiwalay o segregation ng basura, lalo na ang mga biodegradable.
Ito ay upang masigurong magagamit ang mga ito sa paggawa ng compost gamit ang ating bagong shredder.
Ang simpleng hakbang ng paghihiwalay ng basura ay may malaking ambag sa pangangalaga ng kalikasan at sa mas malinis na Bacolor.
Tayo ay magkaisa para sa isang mas maayos, malinis, at luntiang bayan!
#MRFBacolor
#SegregateNgMaayos
#ShredderParaSaKalusugan
#BacolorCleanAndGreen

Official Website of Municipality of Bacolor