RICE AID
Ngayong Huwebes ng hapon, sa pangunguna ng MSWD, matagumpay nating naipamahagi ang bigas sa ilalim ng programang “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” ng Malacañang. Layunin ng programang ito na matulungan ang ating mga lokal na magsasaka at masuportahan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbili at pamamahagi ng lokal na ani.