Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

NENENG: PAGASA MAY BAGONG ADVISORY

NENENG: PAGASA MAY BAGONG ADVISORY
 
Lumakas at ganap nang bagyo o Tropical Depression ang binabantayang aktibong LPA sa loob ng PAR, sa silangan ng Extreme Northern Luzon, at pinangalanan ng PAGASA na Neneng. Mababa ang posibilidad na direktang tumama ito sa bansa at posibleng tumungo sa Taiwan sa mga susunod na araw.
 
Gayunpaman, inaasahang palalakasin nito ang Habagat na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas, kabilang ang Metro Manila. Patuloy na pinapaalalahanan ang lahat na maging alerto sa posibleng epekto ng bagyo at Habagat, kabilang ang biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/19Xt959U1Z/ 

Official Website of Municipality of Bacolor