Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

166 Senior Citizens, Tumanggap ng ₱10,000 Cash Gift!

Ngayong araw, matagumpay nating naipamahagi ang ₱10,000 cash gift sa 166 nating mga minamahal na senior citizens na umabot sa kanilang milestone age bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay at mahalagang ambag sa ating komunidad.
📌 Sino ang kwalipikado sa ₱10,000 Cash Gift?
✅ Mga Pilipinong senior citizen na umabot sa mga sumusunod na milestone age:
• 80 taong gulang – ₱10,000
• 85 taong gulang – ₱10,000
• 90 taong gulang – ₱10,000
• 95 taong gulang– ₱10,000
Mahalagang Paalala: Ang benepisyong ito ay para lamang sa mga nabanggit na milestone age. Ang mga senior na nasa edad 81–84, 86–89, 91–94, at 96–99 ay hindi pa kwalipikado sa mga edad na iyon at makatatanggap lamang ng cash gift kapag naabot na nila ang susunod na itinakdang milestone age.
Patuloy po nating ipagkakaloob ang serbisyong may malasakit at paggalang sa bawat Bacoloreño.
 
Official Website of Municipality of Bacolor