Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

20,000 Sako ng Sibuyas Kayang I-imbak: Inagurasyon ng Onion Storage Facility sa Bacolo

Ngayong araw ay pormal na pinasinayaan ang kauna-unahang Onion Storage Facility sa Pampanga na matatagpuan sa Bacolor, na may kapasidad na maglaman ng hanggang 20,000 sako ng sibuyas. Ang pasilidad na ito ay malaking tulong upang mapanatili ang kalidad ng ani at maiwasan ang pagkalugi ng mga magsasaka dahil sa mababang presyo at pagkasira ng kanilang produkto.
Dinaluhan ang inagurasyon nina Governor Nanay Lilia Pineda, Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Mayor Ron Earvin Dungca, mga miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang sina Konsehal Jude Edward P. Datu, Konsehal Carlax Laxa, konsehal Renz Canlas, Konsehal Emily Valerio, ABC President Allan Soliman, Municipal Agriculturist na si Janet Wong at kasama rin ang mga kinatawan ng Department of Agriculture (DA), Community Affairs Head Jastine Datu at Executive Asssitant Sancho De Jesus.
Ang modernong pasilidad para sa agrikultura ay susi sa mas matatag na kita ng magsasaka at seguridad sa pagkain ng komunidad. Ginanap ngayong umaga ang blessing and inauguration ng Onion Cold Storage sa Barangay Cabalantian.

#ILOVEYOUALL!!!

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/v/18ce81z2FD/

Official Website of Municipality of Bacolor