21 ECO WASTE TRUCKS, LUMARGA NA SA BACOLOR!
Ngayong araw, matagumpay na ipinamahagi ang 21 Eco Waste trucks sa bayan ng Bacolor bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaang bayan na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran.
Ang proyektong ito, sa pangunguna ni #Bacolor Mayor Eduardo Diman G. Datu, ay naglalayong magbigay ng mas epektibong sistema ng pangongolekta ng basura at tumugon sa pangangailangan ng komunidad para sa mas malinis at mas luntiang Bacolor.
Kasama ang mga bagong Eco Waste trucks, asahan ang mas mabilis at maayos na serbisyo sa pangongolekta ng basura sa bawat barangay. Patuloy ang ating bayan sa mga proyektong nagtataguyod ng kalinisan at kaayusan, bilang tugon sa pangangailangan ng mga Bacoleño.
#ILOVEYOUALL ❤
See more https://fb.watch/vJtYqvn44i/