5 KILOS NA BIGAS PARA SA 265 PAMILYA SA CABAMBANGAN
Kahapon, umabot sa 5 kilos ng bigas at iba pang relief goods ang naihatid para sa 265 pamilya mula sa Barangay Cabambangan, Bacolor.
Hatid sa ating mga kababayan ang tulong na ito ni Tatay Bong Pineda, bilang pakikiisa at malasakit sa mga pamilyang nangangailangan ngayong panahon ng kalamidad.
Kasama natin sa pamamahagi sina Mayor Diman Datu, Vice Mayor Ron Dungca, SB Members Emily Valerio at Steekie Blanco, at Punong Barangay Noly Pineda ng Cabambangan.
Maraming salamat sa lahat ng patuloy na tumutulong at nakikiisa para sa ating mga kabalen. Patuloy tayong magtulungan at magmalasakit sa isa’t isa.