Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

Ang Pagdating ni President Lim, ay Hindi Lamang Isang Simpleng Pagbisita sa Ating Bayan, Kundi Isang Tatak O Hudyat Ng Isang Matatag at Tunay na Samahan

Masayang sinalubong nina Mayor Eduardo “Diman” G. Datu at ng Rotary Club of Villa De Bacolor ang pagdating at pagbisita ng Rotary Club of Hwasung Tae-An na pinamumunuhan ni President Chae Won Lim, na nagmula pa sa bayan ng Hwaseong, South Korea. 
Naunang binisita ng Rotary Club of Hwasung Tae-An ang San Antonio Elementary School, na kung saan nagsagawa sila ng Feeding Program at namahagi ng mga School Supplies para sa mga mag-aaral.
Matapos nito, tumuloy sina Mr. Chae Won Lim sa munisipyo ng Bacolor, para sa isang programang isinadya para sa kanila, na pinamunuhan ni Ms. Marilou Mallari, presidente ng Rotary Club of Villa De Bacolor, kaagapay ang ating Alkalde na si Mayor Datu. Kasama rin sa mga dumalo ang mga Municipal Department Heads, upang salubungin at pasalamatan ang lahat ng bumubuo ng Rotary Club of Hwasung Tae-An.
Dangalan tamu Anac ta Baculud
I LOVE YOU ALL!❤️
Official Website of Municipality of Bacolor