Ash Wednesday
Ngayong Ash Wednesday, pinangunahan ni Rev. Fr. Ariel Limjoco ang banal na misa sa Munisipalidad ng Bacolor, hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma. Ang panahong ito ay tungkol sa:
Panalangin – Paglapit sa Diyos at pagpapalalim ng ating pananampalataya.
Pag-aayuno – Pagtanggi sa makamundong bagay bilang sakripisyo at pagpapanibago ng sarili.
❤️ Pagkakawanggawa – Pagpapakita ng malasakit sa kapwa, lalo na sa nangangailangan.
Nawa’y maging makabuluhan ang ating pananampalataya ngayong panahon ng Kuwaresma.