Bacolor Advisory: Beware of Fake Accounts!
PAALALA SA PUBLIKO
Mariin ko pong itinatanggi ang anumang account o page na hindi opisyal na konektado sa Municipality of Bacolor o sa aking opisyal na Facebook page at account. Ang mga naturang fake accounts ay maaaring gamitin sa panlilinlang, pagpapakalat ng maling impormasyon, o pananamantala, kaya’t hinihikayat ko ang lahat na maging mapanuri at maingat sa pakikipag-ugnayan online.
Kung may mapansin po kayong kahina-hinalang account o post na gumagamit ng aking pangalan o larawan, agad po ninyo itong i-report sa aming opisina o sa mismong platform upang ito ay maaksiyunan.
Magsilbi po sana itong paalala na ang tanging opisyal na pahayag at anunsiyo ng inyong lokal na pamahalaan ay inilalabas lamang sa opisyal na social media pages ng LGU Bacolor at ng Office of the Mayor.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at pakikiisa para sa isang ligtas, mapanuri, at mapagkakatiwalaang komunidad online.
Click here:https://www.facebook.com/share/p/1CWkP7EENM/


