Bacolor Maghahandog ng “Makisaya, Mamanerak, Magbanda Tamu Bacolor” sa Pagdiriwang ng La Naval de Bacolor 2024
Bacolor, Pampanga — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng La Naval de Bacolor 2024, maghahandog ang bayan ng Bacolor ng isang gabi ng kasiyahan at musika sa pamamagitan ng programang “Makisaya, Mamanerak, Magbanda Tamu Bacolor” sa darating na Nobyembre 16, 2024, ganap na alas-6 ng gabi sa harap ng Bacolor Municipal Hall.
Sa ginanap na pagpupulong kasama ang 21 SK Chairpersons, pinangunahan ang mga paghahanda nina Punong abala : Mr. Jude Edward Datu, Konsehal Carlax Laxa, Tourism Officer Bong San Pedro, at Mr. Sancho De Jesus. Layon ng programa na magbigay-saya at pagkakaisa para sa mga mamamayan ng Bacolor sa nalalapit na kapistahan.
Sama-sama nating ipagdiwang ang ating kultura at tradisyon. Huwag palampasin ang masayang gabing ito!
#ILOVEYOUALL! ❤️
#LaNavalBacolor2024 #FiestaNingBacolor #SamaSamaSaSaya