Bacolor, Pinangunahan ang Pambihirang Pamamahagi ng CLOA at COCROM sa Pampanga
Muli na namang pinatunayan ng Bacolor ang galing nito sa pagho-host ng malalaking okasyon, nang ganapin ngayong araw ang makasaysayang pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Awards (CLOA) at Certificate of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) sa Don Honorio Ventura State University (DHVSU) Main Campus.
Sa pangunguna ni Kagalang-galang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., daan-daang benepisyaryo mula sa iba’t ibang bahagi ng Pampanga ang nakinabang sa nasabing programa.
Bilang punong-abala, mainit na tinanggap ni Bacolor Mayor Eduardo “Diman” Datu ang mga panauhin at opisyal na dumalo, kasama sina Pampanga Vice Governor Nanay Pineda, mga kinatawan ng lalawigan tulad nina Cong. Dong Gonzales, Cong. Jonjon Lazatin, at Cong. Ana York Bondoc, pati na rin si Senator Francis Tolentino. Dumalo rin ang iba’t ibang mayor mula sa iba’t ibang bayan ng Pampanga upang saksihan ang okasyong ito.
Ang makasaysayang programa ay naglalayong maghatid ng mas magandang kinabukasan sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga titulong magsisiguro sa kanilang karapatan sa lupa.
Ipinagmamalaki ng Bacolor ang pagiging sentro ng ganitong mahalagang kaganapan na hindi lamang nagbibigay-biyaya sa mga Kapampangan, kundi nagpapakita rin ng pagkakaisa at malasakit ng mga lider para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
Tunay ngang muli naipamalas ng Bacolor ang husay nito sa pagho-host ng mga pambansang aktibidad na nagbibigay inspirasyon sa buong bansa!
Dangalan tamu Anac ta Baculud
#ILOVEYOUALL ♥️