Bacolor Pinarangalan ng RDRRMC-3 sa Natatanging Serbisyo at Katatagan
Pinarangalan ng RDRRMC Region 3 ang Municipality of Bacolor dahil sa natatanging serbisyo, komitment, at sakripisyong ipinamalas nito sa gitna ng mga hamong pang-disaster. Ginanap ang pagkilala ngayong Disyembre 5, 2025 sa Laus Group Event Center, San Fernando, Pampanga. Patunay ito ng patuloy na kahandaan at katatagan ng Bacolor para sa mga Bacoloreño.





