#BACOLORUPDATE| BACOLOR SA GITNA NG BAGYO AT HABAGAT
#BACOLORUPDATE| BACOLOR SA GITNA NG BAGYO AT HABAGAT
Patuloy ang pagtaas ng tubig-baha sa San Guillermo Resettlement, Bacolor, kung saan kasalukuyang may 58 pamilya o 231 indibidwal na lumikas at pansamantalang nanunuluyan sa Tinajero Integrated School Evacuation Center.
Sa pangunguna ni Mayor Eduardo “Diman” G. Datu, katuwang ang MDRRMO, DSWD, RHU, at Vice Mayor Ron Dungca, patuloy ang monitoring, rescue, relief, at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo sa ating mga kababayang apektado.
Patuloy nating unahin ang kaligtasan ng bawat Bacoloreño. Manatiling alerto, makinig sa mga abiso ng awtoridad, at lumikas agad kung kinakailangan.