BAGONG PANANGGA SA ULAN, BAGONG SAFETY GEARS!
BAGONG PANANGGA SA ULAN, BAGONG SAFETY GEARS! 

Mas handa na ang Bacolor sa panahon ng tag-ulan! Ipinagkaloob sa ating mga Traffic Enforcers at Utilities Personnel ang mga bagong kapote, botas, kupya, at reflector safety vests upang masiguro ang kanilang kaligtasan habang patuloy na nagseserbisyo sa ating mga kababayan, kahit sa gitna ng malakas na ulan at bagyo. Sa pamamagitan ng mga bagong safety gears, mas magiging ligtas at mas kapansin-pansin sila sa kalsada habang ginagampanan ang kanilang tungkulin para sa bawat Bacoloreño.