Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

Barangay Assessment 2025

Sa isinagawang Barangay Assessment 2025, kabilang sa 505 barangays na na-assess sa buong Pampanga ang Barangay Cabetican at Barangay Calibutbut, na kinilala bilang B.E.S.T. Barangay (Barangay Excellence in Service and Transformation).

Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanilang mahusay na pamamahala, aktibong paglilingkod, at dedikasyon sa kapakanan ng komunidad. Naging bahagi rin ng makabuluhang awarding ceremony sina Municipal Mayor Eduardo Diman G. Datu, Provincial Director Myra Moral Soriano, CESO V, at Regional Director Arceli A.
San Jose, CESO III.

Muli, malaking pagbati sa Barangay Cabetican at Barangay Calibutbut! Patuloy kayong maging huwaran ng mahusay, tapat, at makabuluhang paglilingkod sa bayan.

Click Here: https://www.facebook.com/share/v/1ByPqoMTjD/

Official Website of Municipality of Bacolor