Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

Compressed Four-day Work Week Bilang Bahagi ng Energy Conservation Measures ng Pamahalaan

Bilang pagsunod sa Memorandun Circular No. 114 ng Office of the President ang Pamahalaang Bayan ng Bacolor ay nagtatakda ng pagpapatupad ng compressed four-day work week bilang bahagi ng energy conservation measures ng pamahalaan.

Simula March 9, 2026, ang karamihan sa mga tanggapan ng munisipyo ay magtatrabaho mula 7:30 AM hanggang 6:30 PM, Lunes hanggang Huwebes, upang matugunan ang 40-hour workweek.

Habang Biyernes hanggang Linggo ay non-working days, maliban sa mga opisina na nagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng RHU, MSWDO, MDRRMO, at Traffic Management Unit, na mananatili sa regular na Monday–Friday schedule.

Kasama rin sa kautusan ang iba’t ibang energy at fuel conservation measures tulad ng tamang paggamit ng kuryente, limitadong paggamit ng official vehicles, at pagtiyak ng mga pinuno ng tanggapan na hindi maaapektuhan ang paghahatid ng serbisyong publiko.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/175ighyGNF/

Official Website of Municipality of Bacolor