CONGRATULATIONS SAN ANTONIO INTEGRATED SCHOOL!
CONGRATULATIONS SAN ANTONIO INTEGRATED SCHOOL!
Ang pagbubukas ng San Antonio Integrated School ngayong Hulyo 29, 2024 ay isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Bacolor, lalo na para sa mga barangay ng San Antonio at kalapit na barangay Concepcion, Duat, Potrero, at Parulog.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Eduardo Diman Datu, tatlong integrated schools na ang naitayo: una sa Tinajero, sumunod ang Bacolor Integrated, at ngayon ay ang San Antonio Integrated School.
Sa pagdiriwang na ito, kasama ni Mayor Diman Datu sina Principal Joanne Lopena, Public School District Supervisor Lolita Molano, School Division Superintendent Romeo Alip, Barangay Captain John Datu, Vice Mayor Ron Dungca at mga miyembro ng Sangguniang Bayan upang tiyakin ang kalidad at pagpapalawak ng sistema ng edukasyon sa ating komunidad.
Ayon kay Principal Joanne Lopena, makakatipid na ng pera ang mga estudyante sa pamasahe sa tricycle dahil mayroon nang paaralan na kayang mag-facilitate ng junior high school sa kanilang lugar. Tunay na ito ay isang makasaysayang tagumpay para sa ating barangay dahil mas maraming slots ang mabubuksan para sa mga mag-aaral.
Ang pagbubukas ng San Antonio Integrated School ay simbolo ng pag-unlad at pag-asa para sa mas magandang kinabukasan ng ating kabataan. Ipinapakita nito na sa pagtutulungan ng pamahalaan at ng komunidad, ang edukasyon ay mas madaling maabot at mas maginhawa para sa lahat. Ang pagkakaroon ng mas maraming integrated schools ay hindi lamang magbibigay ng dekalidad na edukasyon, kundi mag-aangat din ng kabuhayan at pag-asa ng bawat pamilyang Pilipino sa Bacolor.
#ILOVEYOUALL!
WATCH HERE: https://fb.watch/tFnInLLGjA/