COURTESY CALL | Municipality of Bacolor
Isang courtesy call ang isinagawa ng Municipality of Bacolor, sa pangunguna ni Mayor Eduardo G. Datu, kasama ang mga Department Heads ng LGU Bacolor, bilang bahagi ng kanilang pagbisita sa Lungsod ng Legazpi.
Layunin ng nasabing pagbisita na magkaroon ng pagbabahaginan ng kaalaman at best practices ng pamahalaang lungsod, lalo na sa mga programang ipinatutupad ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Tourism Office, at iba pang tanggapan na nagsusulong ng kahandaan, kaayusan, at pag-unlad ng komunidad.
Ang ganitong mga aktibidad ay patunay ng kahalagahan ng inter-LGU collaboration at knowledge sharing upang higit pang mapaigting ang kakayahan ng bawat lokal na pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan at sa pagharap sa mga hamon ng panahon.
Malugod na tinanggap ni Mayor Hisham Ismail ang mga bisita bilang pagpapakita ng bukas na ugnayan, pagkakaisa, at patuloy na adhikain ng Legazpi para sa isang mas matatag at maunlad na rehiyon.
Maraming Salamat po!
#TeamAPG #BagongLegazpi #AsensoParasaGabos #IsmailAlways
Click here:https://www.facebook.com/share/p/1G2pBM1BNK/









