Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

CPR AT AED TRAINING

Ang pagsasanay sa CPR at AED ay isang napakahalagang hakbang para sa kaligtasan ng ating komunidad dito sa #Bacolor.
Sa pamamagitan ng tamang kaalaman, mas marami tayong matutulungang masagip sa oras ng emerhensiya.

Salamat sa pagsasanay na ito, handa ang ating mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars na magbigay ng mabilis at epektibong tugon sa mga sitwasyon na maaaring magligtas ng buhay

Ang CPR (Cardiopulmonary Resuscitation) ay isang pangunang lunas na ginagawa sa taong nawalan ng pulso o hininga. Layunin nitong mapanatili ang sirkulasyon ng dugo at oxygen sa katawan sa pamamagitan ng chest compressions at rescue breaths.

Ang AED (Automated External Defibrillator) ay isang aparato na nagbibigay ng kuryente o “shock” sa puso upang maibalik ang normal nitong pagtibok kapag ito ay biglang huminto o nagkaroon ng abnormal na ritmo, tulad ng cardiac arrest.

#ILOVEYOUALL♥️

Official Website of Municipality of Bacolor