Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

Distribusyon ng Hybrid Corn Seeds at Fertilizers sa mga Bacolor Farmers

Ngayong araw, Oktubre 8, 2024, matagumpay na isinagawa ang distribusyon ng hybrid corn seeds at fertilizers sa mga magsasaka ng Bacolor, Pampanga. Pinangunahan ito ni Department of Agriculture Head Janette Wong kasama sina Bacolor Mayor Eduardo Dinan Datu, Vice Mayor Ron Dungca, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Sa naturang programa, daan-daang magsasaka ang nakinabang sa mga ipinamahaging binhi at abono na magagamit nila sa nalalapit na panahon ng pagtatanim. Layunin ng pamahalaang lokal, sa pakikipagtulungan ng DA, na mapabuti ang ani at kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mas pinahusay na teknolohiya at suporta sa agrikultura.

Sa pagtatapos ng programa, umaasa ang lahat na ang mga ipinamahaging hybrid seeds at fertilizers ay magbubunga ng mas mataas na produksyon ng mais at mas matatag na kinabukasan para sa mga magsasaka ng Bacolor.

#ILOVEYOUALL ♥️

Official Website of Municipality of Bacolor