Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

FIRST THINGS FIRST – FIRST AID! MABUTI ANG MAY ALAM Bacolor MDDRMO matagumpay na nagdaos ng 7th Rescue Olympics

Nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO) ng Bacolor ng ika-7 Rescue Olympics, isang taunang programa na layuning palakasin ang kahandaan at kasanayan ng mga Barangay Rescuers sa Basic Life Support at Standard First Aid. Ginanap ang aktibidad sa Bacolor Mini Convention Center at nilahukan ng lahat ng 21 barangay. Tampok sa patimpalak ang mga kategoryang Quiz Bee, Bandaging, CPR, at Lifting and Moving, na nagbigay-daan para maipamalas ng mga kalahok ang kanilang galing sa emergency response.
Tinanghal na Overall Champion ang Barangay Cabambangan, sinundan ng Balas bilang 1st Runner-Up, Macabacle bilang 2nd Runner-Up, at Tinajero bilang 3rd Runner-Up. Patuloy na isinusulong ng Rescue Olympics ang paghubog sa mga barangay rescuer upang maging handa at epektibo sa pagtugon sa iba’t ibang sakuna at emergency.

Official Website of Municipality of Bacolor