Kasaysayan sa Bacolor: Kauna-unahang Onion Storage Facility sa Pampanga, Pormal nang Na-turn Over!
Bacolor, Pampanga — Hunyo 4, 2025
Isang makasaysayang araw para sa bayan ng Bacolor at buong lalawigan ng Pampanga matapos ganapin ngayong araw ang turnover ceremony ng kauna-unahang Onion Cold Storage Facility sa Pampanga. Pinangunahan ito ni Bacolor Mayor Eduardo “Diman” G. Datu, na nagbigay-pugay sa Department of Agriculture para sa pagsuporta at pagbibigay ng pasilidad sa kanilang bayan.
Layunin ng pasilidad na ito na bawasan ang pagkasira ng ani matapos ang anihan, patatagin ang presyo ng sibuyas, at higit sa lahat, suportahan ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka. Ang bagong Onion Cold Storage ay may kapasidad na 20,000 bags capacity, na inaasahang makakatulong nang malaki sa pangmatagalang pag-iimbak ng ani at pagpapalakas ng produksyon sa Bacolor.
Dumalo sa makabuluhang seremonya sina Dr. Eduardo L. Lapuz Jr., Regional Executive Director ng DAR-RFO III; Daniel Alfonso Atayde, Assistant Secretary for Logistics; Atty. Joycel Panlilio, Assistant Secretary for HVCDP at tagapagsalita ng Department of Agriculture; at Mr. Ferdinand Pineda, Chairman ng Bacolor Onion Farm. Kabilang din sa mga dumalo sina Bacolor Vice Mayor Ron Dungca at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Renz Canlas, Steekie Blanco, at Carlax Laxa, kasama si Janet Wong, Municipal Agriculturist ng Bacolor. Pinaka-highlight din sa seremonya ang presensya ng mga magsasakang taga-Bacolor, na siyang pangunahing benepisyaryo ng makabagong pasilidad na ito.
“Hindi lang ito imbakan ng sibuyas—ito ay simbolo ng dedikasyon ng Bacolor sa pag-unlad ng agrikultura at sa ating mga magsasaka,” dagdag pa ni Mayor Datu.
Binigyang pagkilala rin si G. Jeff Yamzon na buong pusong nag-donate ng lote kung saan itinayo ang cold storage facility.
Bilang kauna-unahan sa Pampanga, nagsilbing inspirasyon ang pasilidad na ito para sa iba pang bayan na nais ding magtaguyod ng makabagong imprastraktura para sa kanilang mga magsasaka. Matapos ang seremonya, isinagawa ang tour sa loob ng pasilidad kung saan ipinakita ang makabagong cooling system at mga teknolohiyang makakatulong sa pag-preserba ng kalidad ng sibuyas sa mas mahabang panahon.
#ILOVEYOUALL! ❤❤❤