Korean Rotary Club, Naghatid ng Pag-asa sa Bacolor! BAGONG LIBRARY AT SANITATION FACILITY
Dalawang makabuluhang proyekto ang nakatakdang itayo sa San Antonio Integrated School sa Bayan ng Bacolor, Pampanga. Isang library at mga sanitation facilities na inaasahang magpapabuti sa kalidad ng pag-aaral at kalusugan ng mga mag-aaral.
Sa tulong ng Rotary Club of South Korea District 3570 Ansan at ng Rotary Club of Villa de Bacolor sa pangunguna ni Rotary President Grace Datu. Ang mga proyektong ito ay magsisilbing puhunan sa mas magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral at komunidad.
Maraming salamat sa inyong malasakit, pagkakaisa, at walang sawang suporta sa edukasyon.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/v/19zkurKeCJ/


