LAWA at BINHI Payout
Ngayong Martes ay muli nating ipinamalas ang ating malasakit sa bawat Bacoloreño sa pamamagitan ng patuloy na paghahatid ng mga programang tunay na may malasakit sa mamamayan. Naging matagumpay ang LAWA at BINHI Payout, na nagbigay ng mahalagang suporta sa ating mga benepisyaryo upang makatulong sa kanilang kabuhayan at pang-araw-araw na pangangailangan.