Masayang Araw ng Manggagawa!
Sa pagsalubong sa Araw ng Manggagawa, naging tagumpay ang TUPAD Pay out na isinagawa sa SM Pampanga Cinema 1. Pinasalamatan ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE) sa pamumuno ni RD Geraldine Matic Panlilio para sa kanilang suporta at pagkilala sa mga manggagawang Pilipino.
Bukod dito, si #Bacolor Mayor Eduardo Diman Datu ay nagbahagi ng kanyang kaalaman at inspirasyon bilang tagapagsalita sa okasyon. Pinuri niya ang dedikasyon ng mga manggagawa at hinikayat ang patuloy na pagtutulungan para sa pag-unlad ng komunidad.
Ang pagtitipon ay nagdulot ng inspirasyon at pasasalamat sa lahat ng mga nakalahok, na nagpapakita ng halaga ng paggawa at pagkakaisa sa pagtataguyod ng kabutihan sa ating bansa.
Dangalan tamu Anac ta Baculud.
#ILOVEYOUALL