Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

Matagal Nang Nawala, Muling Natuklasan: Ang Dulce Prenda, Atin Ito!

Kanina, pormal nating binuksan ang La Naval de Bacolor Activities at Photo Exhibit sa Executive Building Lobby isang paraan para maipakita at mapreserba ang ating pananampalataya at makulay na kasaysayan.
Sinundan ito ng Dulce Prenda Cooking Demo kasama si Atsing Lilian Borromeo sa Municipal Grounds. Tunay na nakaka-inspire makita kung paano muling nabuhay ang isang matagal nang nawalang Kapampangan recipe na bahagi ng ating yaman at pagkakakilanlan.
Bahagi ito ng ating La Naval de Bacolor Weeklong Celebration, kung saan sama-sama nating ipinagdiriwang ang pananampalataya, kultura, at pagkakaisa ng bawat Bacoloreño.
Maraming salamat sa lahat ng nakisaya at nakiisa. Mabuhay ang madasalin, malikhain, at nagkakaisang Bacolor!
#ILOVEYOUALL!!!

Official Website of Municipality of Bacolor