Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

Maulang Paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Bacolor

Sa kabila ng maulang panahon, buong puso pa ring ginunita ng bayan ng Bacolor ang ika-127 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong Hunyo 12, 2025.

Pinangunahan ni Mayor Diman Datu ang seremonya sa harap ng munisipyo kung saan isinagawa ang pagtataas ng watawat, pag-aalay ng bulaklak, at panalangin para sa bayan. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at kabayanihan sa modernong panahon.
“Ang tunay na diwa ng kalayaan ay nasusukat hindi sa ganda ng panahon kundi sa tibay ng ating paninindigan at malasakit sa bayan,” ani Mayor Datu.

Dumalo rin sa makasaysayang okasyong ito sina Vice Mayor Diman Datu, mga Sangguniang Bayan Members, mga Department Heads sa pangunguna ni Gng. Nenita Gonzales, mga kinatawan mula sa Rotary Club Villa de Bacolor, mga School Principals, miyembro ng Pres. Diosdado Masonic Lodge #469, Headed by Worshipul Master Joel Payumo, at ang buong Municipal Staff.

Bagama’t binuhusan ng ulan ang programa, nanatiling buo ang diwa ng selebrasyon. Ang mga mamamayan ay nagpakita ng malasakit at makabayang damdamin sa pamamagitan ng kanilang presensya at pakikiisa.
Isang patunay ito na sa Bacolor, ang diwa ng kalayaan ay hindi kayang patayin ng anumang unos—bagkus, ito ay lalong pinapalalim ng kasaysayan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.

#ILOVEYOUALL ❤❤❤

Official Website of Municipality of Bacolor