Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

Mayor Eduardo Diman G. Datu, namahagi ng Medical Supplies at Tulong Pinansyal sa mga may sakit

Sa isang makabuluhang hakbang ng pagmamalasakit at serbisyo, namahagi ng medical supplies at tulong pinansyal si Mayor Eduardo Diman G. Datu sa mga residente ng Bacolor ngayong araw ng Lunes, ika-8 ng Hulyo, 2024.
Pinangunahan ng alkalde ang pamamahagi ng mga kagamitang medikal tulad ng wheelchair, nebulizers, at sphygmomanometers, na lalong nagpapabuti sa kalagayan ng mga may karamdaman sa bato at mga pasyenteng nag-uundergo ng chemotherapy.
Ayon kay Mayor Datu, prayoridad niya ang kalusugan at kagalingan ng kanyang mga kababayan, kaya’t aktibo siyang naghanap ng mga solusyon sa mga hamon na kanilang kinakaharap.
Sa kabila ng pagsubok, patuloy na ipinapakita ng munisipyo ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga Bacoloreños.
MALAUS KO PU KING KEKATAMUNG MUNISIPYU!
DANGALAN TAMU ANAC TA BACULUD.
#ILOVEYOUALL ♥️

Official Website of Municipality of Bacolor