Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

Mayor Hon. Eduardo Diman Datu Naanyayahang Maging Panauhing Pandangal para sa Moving-Up Ceremony na Iginawad sa Tatlong at Walongput-isang (381) DayCare Children

Ang butihing mayor ng Bacolor na si Hon. Eduardo Diman Datu ay naanyayahan upang maging panauhing pandangal para sa Moving-Up Ceremony na iginawad sa tatlongdaan at walongput-isang (381) DayCare children  mula sa iba’t-ibang barangay ng Bacolor ngayong araw sa Mini-Convention Center.
 
Kabilang sa mga dumalo sa seremonyang ito na may temang “Katuwang ng Pamayanan sa Paghubog ng Batang maka-Diyos, maka-Bayan, maka-Tao at maka-Kalikasan” ay ang Barangay  ng Magliman, Calibutbut 1 & 2, San Isidro, Sta. Ines, Cabalantian, Cabetican, San Vicente, Macabacle at Maliwalu. 
 
Si Engr. Paulo Dizon Daria ay anng naging panauhing tagapagsalita para sa programang ito. Naroroon rin ang mga konsehal,SB Member Joel David Samia, SB Member Steekie Blanco, SB Member Carlax Laxa, SB Member Renz Canlas, Barangay Kapitan ng bawat barangay na nabanggit sa itaas, at mga Sangguniang Kabataan (SK) Officials.
 
Bago pa man natapos ang pagdiriwang na ito, nagbigay muna ng taos pusong mensahe at pagbati ang alkalde sa lahat ng mga mag-aaral at magulang para sa tagumpay na ito. Dahil ito ang unang hakbang ng mga bata patungo sa tunay at realidad ng buhay.  
 
Na sa kanyang talumpati, nabanggit nya ang iilang linya mula sa kantang “Que Sera Sera”,  na sa ating buhay, hindi natin hawak ang kinabukasan, na kung ang isang bagay ay nakatakdang maganap, kahit anong klaseng pagpigil ang ating gagawin, ito’y magaganap at magaganap pa rin.
 
Matapos ang programang iyon ay agad na nagtungo si Mayor Datu, kasama ang MSWDO pinagungunahan ni Madam Veronica Imperial, MDRRMO pinagungungunahan ni Mr. Rio S. Villafania, kasama din si Kag. Oneng De Jesus at Barangay Kagawad ng nasabing Barangay sa Tinajero upang magbigay tulong sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang bagyong Dodong.
 
Tulad ng isang kataga, “hindi kailanman naging hadlang ang kahit anumang sakuna,  sa isang taong handang tumulong para sa ikabubuti ng kanyang kapwa.”
 
Dangalan tamu Anac ta Baculud
I LOVE YOU ALL!❤️
Official Website of Municipality of Bacolor