Mental Health Awareness Program
Nagkaroon po tayo ng libreng Mental Health Awareness program para sa mga residente ng #Bacolor, sa pakikipagtulungan ng Rural Health Unit (RHU) sa pangunguna ni Dr. Janet Trinidad. Ang programang ito ay naglalayong itaas ang kamalayan ng komunidad sa mga usaping may kinalaman sa kalusugang pangkaisipan.
Malugod nating tinanggap ang mga dumalo sa inihanda ng RHU upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman at pag-unawa tungkol sa mental health. Ang seminar ay binigyang diin ang kahalagahan ng pagiging bukas sa ganitong mga usapin at ang pagsuporta sa mga taong may pinagdadaanan kaugnay sa kanilang kalusugan pangkaisipan.
Nagpapasalamat po kami sa lahat ng dumalo at tumaguyod sa programang ito. Nawa’y patuloy nating isulong ang kamalayan at suporta para sa mental health sa ating komunidad.
#ILOVEYOUALL ♥️