MT. PINATUBO MARKER SA BACOLOR
MT. PINATUBO MARKER SA BACOLOR. Ang bayan na inilibing ng pagputok ng bulkan at pagragasa ng lahar ay halos nakabangon na sa trahedya. Ang nagkawatak-watak na baryo ay nabubuo ulit. Ang mga umalis ay nagsibalik na. Para gunitain ang trahedya at ipagdiwang ang pagbangon pati tapang ng loob ng mga Bacoloreño, inilagay ng Pampanga provincial government, Bacolor municipal government at Foundation for Lingap Kapampangan Inc. ang isang marker o pananda na gawa sa buhangin at lahar ng Mt. Pinatubo. Pumayag ang San Guillermo Parish na ilagak ito malapit sa museum doon.
#Pinatubo34. #GovNanay #TheDoer
Tristan Jingco