Nagsagawa ng programa upang mag-abot ng tulong pinansyal at saku-sakong bigas
Ngayong ika-25 ng Hunyo 2023, Ang Alkalde Mayor ng Bacolor na si Hon. Eduardo Diman Datu katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Steekie Blanco, Hon. Joel Samia, Hon. Carlito Laxa at pati na rin ang mga Barangay Captain Alvin Tiongson at Barangay Council, ay nagsagawa ng programa upang mag-abot ng tulong pinansyal at saku-sakong bigas sa dalawangput-limang indibidwal na lubos na naapektuhan ng kalamidad sa Bayan ng Cabalantian.
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng tumama ang isang malakas na buhawi sa naturang barangay, ngunit ang pagbuhos ng kaliwa’t kanang tulong mula sa Alkalde Mayor ay hindi parin humihinto.Ang mga biktima ay nabigyan ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng dalawangpung libo (20,000) o di kaya naman ay sampung libong (10,000) halaga ng tseke at bawat sambahayan ay nakakuha rin ng tig-isang sako ng bigas, na maaaring makatulong at makabawas sa kanilang mga gastusin, lalo na ngayong unti-unti na silang bumabangon muli.
Hindi naging hadlang para sa mga opisyales na ituloy ang pag-aabot ng tulong, umulan man o umaraw. Sapagkat ang tanging hangad lang nila ay masiguradong ligtas ang mga taong naging pamilya na para sa kanila.
Laging tandaan, libre lang ang paggawa ng mabuti sa kapwa at hindi kailanman ito nanghihingi ng anumang kapalit.
Dangalan tamu Anac ta Baculud!
I Love you all! ❤️
I Love you all! ❤️