Pagbisita ni Mayor Eduardo “Diman” Datu sa Davao City
Ang ating Alkalde na si Mayor Eduardo “Diman” Datu, ay kasalukuyang nasa Davao City, kasama ang kanyang butihing maybahay na si Mrs. Grace Datu at kanilang anak ang Private Secretary to the Mayor na si Jude Edward Datu kasama din ang ating Municipal Administrator na si Mrs. Nenita Gonzales at ang lahat ng Punong Kagawaran ng Munisipyo ng Bacolor.
Na kung saan, nagbigay sila ng isang produktong naging tatak o kilala sa probinsya ng Pampanga at ito ay ang Handmade Parol, sa Alkalde ng naturang Lungsod na si Mayor Sebastian Duterte o mas kilala sa bansag na “Baste”. Isang karangalan para sa atin na maibahagi ang ating sariling produkto sa kanila at ganun din ang makita at makilala ng personal ang namumuno sa kilala at magandang urbanisadong lungsod sa Pilipinas.