PAGBUBUKAS NG KAUNA-UNAHANG ART GALLERY SA BACOLOR!
Dumalo si Mayor Eduardo “Diman” Datu sa pagbubukas ng 1576 Gallery Cafe, ang unang art gallery sa Bacolor, na matatagpuan sa Barangay Cabambangan. Ang makabuluhang okasyon na ito ay hindi lamang para sa pagpapakita ng mga likhang sining kundi pati na rin para sa isang magandang layunin.
Pinangunahan nina Dr. Renne Toledano, Pangulo ng Pampanga Medical Society, at Jojo Pineda, may-ari ng gallery, kasama rin sa pagbubukas ang Pampanga Medical Society at Juan Miro Art na nagtutulungan upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Lahat ng art pieces na maipagbibili ay mapupunta para sa kapakinabangan ng ating mga kababayan, isang tunay na adhikaing makatao.
Ang 1576 Art Gallery ay isang malaking hakbang para sa bayan ng Bacolor, at tiyak na magbibigay inspirasyon at kasiyahan sa ating mga kababayan.
Mabuhay ang sining at kultura ng Bacolor!
#ILOVEYOUALL❤❤❤

