Pagpupugay sa Katatagan: Gawad DATU Awarding Ceremony 2025
Pormal nating isinagawa sa Bacolor Mini Convention Center ang Gawad DATU (Dapat Alisto at Tapat Umalalay): Search for the Most Disaster Resilient School — isang programa na layuning kilalanin at parangalan ang mga paaralang handa, alisto, at matatag sa harap ng anumang sakuna.
Dumalo sa awarding ang iba’t ibang principals at teachers mula sa iba’t ibang paaralan sa Bacolor.
Magaling at kahanga-hanga ang ipinakita ninyong mga proyekto at inisyatiba, patunay na handang-handa ang ating mga paaralan sa anumang hamon ng kalikasan.
Ipinagmamalaki ko ang bawat isa sa inyo.
Ito ay isang hakbang tungo sa mas ligtas, mas matibay, at mas responsableng Bacolor!
#ILOVEYOUALL!
















