Pamahalaang Bayan ng Bacolor, Namahagi ng 5,000 Pesos sa mga Senior Citizens na May Edad 90 Pataas
Bacolor, Pampanga — Bilang bahagi ng patuloy na suporta at pagkilala sa mga nakatatanda, namahagi ang Pamahalaang Bayan ng Bacolor ng pinansiyal na ayuda na nagkakahalaga ng 5,000 pesos sa bawat senior citizen na umaabot ng edad 90 pataas. Ang programang ito ay bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan na magbigay ng suporta at pasasalamat sa mga kababayan nating nagbigay ng kanilang kontribusyon sa bayan sa loob ng maraming taon.