Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

PAMAMAHAGI NG PANIMULANG KAPITAL AT TULONG-PINANSIYAL SA MGA SOLO PARENTS AT VAW VICTIMS SA BACOLOR

Namahagi tayo ngayong araw, December 9, 2025, ng ₱3,000 panimulang kapital para sa ating mga rehistradong solo parents sa idinaos na programa sa Mini Convention Center. Dinaluhan ito ni Vice Mayor Ron Dungca, Coun. Jude Datu, Coun. Aiza Cunanan, Mam Ronnie Imperial, at mga kawani ng MSWDO.
Layunin ng programang ito na tulungan ang ating mga solo parents na magkaroon ng mas matatag na pundasyon tungo sa pagiging financially independent. Kasabay nito, isinagawa rin ang basic entrepreneurship training upang palawakin ang kanilang kaalaman sa pagsisimula at pagpapatakbo ng maliit na negosyo.
Bukod sa panimulang kapital para sa solo parents, namahagi rin tayo ng tulong-pinansiyal sa (16) VAWC Victim-Survivors na tumanggap ng tig-₱3,000 bawat isa, bilang suporta sa kanilang agarang pangangailangan at patuloy na pagbangon.
Dagdag pa rito, nagkaloob din tayo ng financial assistance para sa (16) Child Protection beneficiaries na may mga court-related cases (CA, CAR, CICL), kung saan tumanggap din sila ng tig-₱3,000 bawat isa. Layunin nitong makatulong sa kanilang legal at personal na pangangailangan habang hinaharap ang kani-kanilang mga kaso.
Patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay proteksiyon, suporta, at pagkakataon upang mas mapatatag ang ating mga pamilya at kababayan sa Bacolor.

Official Website of Municipality of Bacolor