Para sa Ating PWD Community
Patuloy nating pinapalakas ang suporta at serbisyo para sa bawat Bacoloreño.
Isang makabuluhang Symposium for Persons with Disabilities na may temang “Making Public Transport Safer and More Accessible to Persons with Disabilities” ang isinagawa para sa ating PWD community sa Bacolor.
Sa pangunguna ng Clark International Airport Corporation (CIAC) katuwang ang Department of Transportation (DOTr), nagkaroon tayo ng programang naglalayong magbigay kaalaman at suporta para sa mas ligtas at mas inklusibong transportasyon.
May kabuuang 100 PWDs ang nabigyan ng wellness kits at libreng pagkain sa buong panahon ng symposium.
Maraming salamat sa CIAC at DOTr sa pakikiisa at malasakit. Bilang inyong lingkod, patuloy nating susuportahan ang mga programang nagbibigay halaga at oportunidad sa ating mga kababayan.
— Mayor Diman Datu
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/r/1XM6Kj1ar8/