Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

PARA SA INYO PO ITO MGA LOLO AT LOLA

Ngayong araw, nagkaroon tayo ng Pamamahagi ng Pinansyal na Tulong para sa mga senior citizens sa Bacolor, partikular sa mga barangay ng Calibutbut, Maliwalu, at Dolores. Ito ay naging posible sa pamamagitan ng pagsisikap ni #Bacolor Mayor Eduardo Diman G. Datu, Vice Mayor Ron Dungca, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Sa ating mga mahal na Lolo at Lola, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong karunungan, pagmamahal, at sa mga hindi matatawarang ambag na inyong naibahagi sa ating komunidad. Kayo po ay aming yaman, at patuloy po kaming magsisikap upang matugunan ang inyong pangangailangan at masiguro ang inyong kaligayahan at kaginhawahan. Maraming salamat po sa lahat ng inyong sakripisyo. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng kalusugan at kaligayahan!
#ILOVEYOUALL

See link for the video https://www.facebook.com/watch/?v=534103173037922&rdid=6vbRmjW2o6ZeM1ga

Official Website of Municipality of Bacolor