Pasasalamat na handog ng Parulog Farmers & Livelihood Association
Si Mayor Eduardo Diman Datu ay na sorpresa at hindi inaasahan ang biglaang pagbibigay pugay ng Parulog Farmers & Livelihood Association sa kanya dahil sa lahat ng mga nagawa nito sa kanila. Ayon pa sa mga Farmers, malaki ang kanilang pasasalamat sa Mayor ng Bacolor, dahil mula noon hanggang sa ngayon ay hindi natinag o nagbago ang pakikitungo nito sa kanila, at buong suporta pa rin ang iginagawad ng Alkalde sa mga kasamahan nating magsasaka.
Kaya taos pusong nagpapasalamat din si Mayor Diman Datu sa Parulog Farmers & Livelihood Association, na nagkaloob sa kaniya ng parangal na ito, sila President Antonio M. Pineda, Vice President Higino Escoto Jr. at Secretary Antonio Pagcu. Pati na rin kay Kapitan Jheff Malig at mga Konsehal ng Parulog Bacolor, Pampanga.
Ang mga sumusunod ay ang aktwal na detalyeng nakasulat sa Pasasalamat na handog ng Parulog Farmers & Livelihood Association na ipinagkaloob sa ika-20 ng Mayo taong 2023 sa Parulog Bacolor, Pampanga:
“Dahil sa kanyang mabuting pag-uugali at di nagbabagong pakikitungo sa mga kababayan lalung-lalo na sa kapakanan ng mga magsasaka. Kung kaya’t lalong lumakas ang aming paniniwala at pag-asa na meron pang darating na magandang bukas para sa ating bayan. Maraming maraming salamat din po sa binigay niyong kagamitan pang-sakahan na ngayon ay aming ginagamit at pinakikinabangan.”
Dangalan tamu Anac ta Baculud
I LOVE YOU ALL!
I LOVE YOU ALL!