Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

Pay-out ng mga Kapampangan Senior Citizens, ginanap sa Villa de Bacolor!

Ngayong umaga, dalawang 100 taong gulang na centenarian mula sa Barangay Cabalantian at Barangay San Isidro ang tumanggap ng ₱100,000 mula sa National Commission for Senior Citizens (NCSC), bilang bahagi ng mandato ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act na nilagdaan noong Marso 17, 2024.
Bukod dito, ilang natatanging senior citizens na may edad na 80, 85, 90, at 95 taon mula sa mga bayan ng Apalit, Masantol, Florida, Mexico, Lubao, Guagua, at Bacolor ang tumanggap ng cash gift na ₱10,000 – bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa komunidad.
Sa Bacolor, umabot sa 68 ang nakatanggap ng nasabing tulong, kabilang na ang dalawang centenarian mula sa nasabing barangay.
Ang pagsasagawa ng libreng cash gift sa iba’t ibang milestone ages ng mga senior citizens ay isang patunay ng matibay na pagpapahalaga ng pamahalaan sa nakatatanda—isang simpleng paraan upang maipadama ang respeto, pasasalamat, at malasakit.
#ILoveYouAll

Official Website of Municipality of Bacolor