Pormal na Panunumpa ng mga Opisyal ng PTA, SPTA at SELG sa Cabalantian Elementary School!
Idinaos ngayong umaga ang Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng PTA, SPTA, at SELG sa Cabalantian Elementary School Proper, na pinangunahan nina Municipal Mayor Eduardo Diman Datu, Vice Mayor Ron Earvin Dungca, Councilors Jude Edward Datu at Emily Batac Valerio.
Kabilang din sa mga dumalo sina Barangay Captain Alvin Tiongson ng Cabalantian at Barangay Captain Jog Pineda ng Mesalipit.
Nakiisa rin sa mahalagang okasyong ito sina School Principal Joanne Lopena, District Supervisor Bacolor South Lolita Molano at Assistant Schools Division Superintendent Leandro Canlas.
Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan ng paaralan, magulang, at pamahalaan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
#ILOVEYOUALL❤️❤️❤️