Skip to main content
(www.bacolorpampanga.gov.ph)
Official Website of Municipality of Bacolor – Province of Pampanga

PROUD GAWANG BACOLOR: Makabagong Solusyon sa Pagsubaybay ng Panahon!

Ngayong umaga ay bumisita sa atin ang mga Electronics Engineering students mula sa Pampanga State University upang ipresenta ang kanilang proyekto na “Development of a Low-Cost Automatic Weather Station for Local Government Application.”

Layunin ng kanilang imbensyon na makatulong sa mga lokal na pamahalaan sa mas abot-kayang paraan ng pagsubaybay sa lagay ng panahon upang mapalakas ang kahandaan sa mga kalamidad at maprotektahan ang komunidad.
Isang karangalan para sa atin na masaksihan ang galing, sipag, at dedikasyon ng mga kabataang inhinyero. Tunay na ipinagmamalaki natin ang Gawang Bacolor!

Gawa ito nina Mr. Ervin John Cabrera, Mr. Jabez Ayson, Mr. Gabriel Carl Crisostomo, Ms. Ashley Jade Jadie at Ms. Krizle Feyh Santos.

#ILOVEYOUALL ♥♥♥

Click here: https://www.facebook.com/share/v/1B2Fn5pgPN/

Official Website of Municipality of Bacolor