Public Hearing sa Proposed Revenue Code, Tagumpay na Idinaos sa Bacolor Multi-Purpose Hall
Bacolor, Pampanga — Kahapon, Nobyembre 19, 2024, matagumpay na idinaos ang Public Hearing para sa Proposed Revenue Code ng Bacolor sa Multi-Purpose Hall ng bayan. Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang sektor upang mapag-usapan at maipaliwanag ang mga probisyon ng panukalang batas na magpapahusay sa koleksyon ng kita ng bayan para sa mas epektibong serbisyo publiko.
Sa parehong araw, naging bukas din ang tanggapan sa pagtulong sa mga Bacolorenong may pangangailangan. Agad na tinugunan ang mga problemang dala ng mga residente, kabilang na ang pagbibigay ng tulong medikal at pagsagot sa mga isyu ukol sa mga bayarin sa ospital.
#ILOVEYOUALL ❤️