SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE INCENTIVE FUND!
“Seal of Good Local Governance”,ito ay isang parangal o tatak na ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan na maipakikita ang kanilang kahusayan sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala, tulad ng pagpaplano, pagpapatupad ng mga proyekto, pagsunod sa batas, at pagiging bukas sa publiko. Ito ay nagpapakita ng kahandaan ng isang lokal na pamahalaan na maglingkod nang maayos at epektibo sa kanilang komunidad.
Sa pamumuno ni #Bacolor Mayor Eduardo Diman Datu, nakamit ng Bacolor ang mga insentibo mula sa pamahalaan para sa road construction. Ang nasabing proyekto ay isinagawa sa Brgy. San Antonio, kung saan kasama sa inspeksyon si Kap. John Datu, sa paglulunsad ng Provl.LFP Team Inspection para sa mga proyektong SGLGIF at FALGU.
#ILOVEYOUALL