SSLG, SPTA, AND HRPTA OFFICERS OATH TAKING
Ngayong hapon, dumalo tayo sa Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na Supreme Secondary Learner Government (SSLG), School Parents Teachers Association (SPTA), at Homeroom Parents Teachers Association (HRPTA) officers ng Potrero National High School, San Vicente Pilot School for Philippine Craftsmen, at Don Antonio Lee Chi Uan Integrated School kasama ko si Councilor Jude Datu.
Isang karangalan na maging bahagi ng mahalagang okasyong ito at makasama ang ating mga bagong lider sa edukasyon. Ang inyong panunumpa ay hindi lamang isang seremonya, kundi isang pangako ng tapat na pamumuno, malasakit, at responsableng paglilingkod para sa kapakanan ng mga mag-aaral, mga magulang, at ng buong komunidad ng paaralan.
Congratulations sa inyong lahat! Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon at maging huwaran ng tunay na pamumuno.